Hinataw ng Boston Celtics ang Los Angeles Clippers, 119-115. Gumawa si Jayson Tatum ng 34 points at 7 rebounds para sa Boston. Nanguna naman sa Clippers si Kawhi Leonard ng 28 points at 11 boards.
Niluray naman ng Toronto Raptors ang Brooklyn Nets, 123-117. Bumida si Paskal Siakam sa Raptors sa pagbuslo ng 33 points at 11 boards.
Lumagare naman sa Nets si Joe Harris sa pagbira ng 19 points. Nag-ambag naman si James Harden ng 12 assists at 7 boards.
Kinaldag naman ng New Orleans Pelicans ang Indiana Pacers, 114-113. Nanguna si Brandon Ingram sa Pelicans sa pagbuslo ng 30 points at 7 assists.
Narito ang buong resulta ng laro sa NBA games, February 6, 2021
Bulls – 119 Magic – 123
Bucks – 123 Cavaliers – 105
Jazz – 138 Hornets – 121
Wizards – 95 Heat – 122
Pistons – 92 Suns – 109
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT