Bagama’t nagwagi sa Game 1 ng best-of-7 ang Boston Celtics kontra Philadephia 76ers, isang di magandang balita ang sumaklop sa kanilang kampo.
Kasi naman, mababawasan sila ng top scorer sa Celtics. Isa sa kanilang first five ang hindi muna makakalaro sa playoffs.
Napag-alaman na hindi makalalaro ang kanilang forward na si Gordon Hayward sa ilang laro sa playoffs. Nagtamo si Hayward ng Grade III sprains sa kanyang right angkle.
Nagtamo ng injury si Hayward noong nakikipagsabayan siya sa rebound kay Joel Embiid ng Sixers. Masama ang naging landing niya nang tumama sa paa ng kakamping si Daniel Theis.
Ayon sa pamunuan ng Celtics, ang injuring natamo sa playoffs ay hindi ang ankle na-injury noon ni Hayward noong 2018.
Matatandaang nabali ang left ankle ni Hayward noong Oktubre 2018 sa laban ng Celtics at Cavaliers.
Ayon sa ESPN, four weeks na mawawala sa eksena si Hayward. Ininda nito ang natamong injury noong Game 1 laban sa Sixers.
Dahil dun, binaklas ng coaching staff ang forward sa fourth quarter. Kaya naman, balak ng Celtics na punan ang mababakanteng puwesto ni Hayward.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo