Arestado ng mga operatiba Caloocan Police SDEU, kasama ang 6th MFC RMFB-NRCPO at PDEA Northern District Office si Masod Hadji Karim alyas “Bossing”, 36, (Pusher), construction worker sa buy-bust operation sa kanyang bahay sa Riverside, Phase 12, Brgy. 188, Tala, Caloocan City. Nakuha sa kanya ang nasa 1,000 gramo (1 klg.) ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P6,800,000. 00 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng 2 piraso ng tunay na P1,000 bills at 48 piraso ng P1,000 boodle/money. (RIC ROLDAN)
Swak sa kulungan ang isang construction worker matapos makuhanan ng tinatayang nasa P6.8 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang naarestong suspek na si Masod Hadji Karim alyas “Bossing”, 36, (Pusher), Construction Worker ng Riverside, Phase 12, Brgy. 188, Tala.
Dakong alas-4:40 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kasama ang 6th MFC RMFB-NRCPO at PDEA Northern District Office ng buy-bust operation sa bahay ng suspek.
Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng isang medium plastic sachet ng shabu na nasa P50,000 ang halaga ang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.
Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 1,000 grams (1 klg.) ng hinihinalang shabu na may DDB standard value P6,800,000. 00, buy-bust money na binubuo ng 2 piraso ng tunay na P1,000 bills at 48 piraso ng P1,000 Boodle/money.
Ang operasyon ay nag-ugat sa isang impormasyon na inihiyag ng isang Regular Confidential Informant (RCI) sa SDEU at matapos ang isang linggong validation ay nakumpirma na tama at maaasahan ang ulat. (JUVY LUCERO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA