Kabilang ang isla ng Boracay sa listahan ng top 50 World’s Greatest Places 2022 ng Time Magazine.
Inilarawan sa artikulo ang Boracay bilang “paradise reborn.”
Welcome naman kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang pagkakasama ng Boracay sa listahan ng pinakamagandang travel destinations.
Saad niya, sikat ang Boracay bilang isang tourist spot dahil sa puting buhangin at napakalinis na tubig sa isla.
“The DOT affirms its pride and honor as Boracay Island once again proved its allure as a tourist haven. Such recognition will surely help us attain our goal of regaining our position in the global market,” saad ni Frasco sa kanyang Facebook post.
“Surely, the Philippines has a multitude of sites and tourism activities that we could offer to the world. And, in addition to natural resources, we look forward as well to developing and promoting the talents of our people and the products that have potential for national and global marketability,” dagdag niya.
Kung maaalala noong Abril 2018, ipinasara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Boracay na tinawag niyang “cesspool” para isailalim sa rehabilitasyon.
Binuksan ito Oktubre ng kaparehong taon pero muling isinara simula nang pumutok ang COVID-19 pandemic para pangalagaan ang kalusugan ng mga residente.
Kasalukuyang bukas ang isla para sa mga turista matapos ang halos tatlong taong pagkakasara nito.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna