Isang linggo bago ang Mayo 2022 national at local elections, nanatili pa rin nangunguna sa survey ang magka-tandem na sina dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos sa pagka-pangulo at Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-bise presidente.
Ang resulta ng survey na isinagawa mula Abril 16-21 ay isinapubliko ngayong Lunes o isang linggo bago ang May 9 elections.
Nakakuha si Marcos ng 56% at sinundan nina Vice President Leni Robredo (23%), Sen. Manny Pacquiao (7%), Manila Mayor Isko Moreno Domagoso (4%), at Sen. Ping Lacson (2%).
Ang iba pang kandidato ay nakakuha ng 1% pababa. Mayroon namang 5% na tumangging sumagot sa balota na ginamit sa survey at 1% ang hindi nagbigay ng ibobotong Pangulo.
Sa vice presidential race, si Duterte ay nakakuha naman ng 55% at sinundan nina Senate President Tito Sotto III (18%), Sen. Kiko Pangilinan (16%), Doc Willie Ong (3%) at Manny Lopez (1%).
Ang iba pang kandidato ay nakakuha ng mas mababa sa 1%. Mayroon namang limang porsyento na tumangging sumagot sa balota na ginamit sa survey at 1% ang walang sagot kung sino ang ibobotong bise presidente.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview. Nakabatay ang resulta sa 2,400 representative na edad 18 pataas, rehistradong botante at may malaking tyansa na bumoto sa paparating na halalan.
Ang survey ay mayroong ± 2% error margin at 95% confidence level.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM