November 24, 2024

BBM, TATAKBONG PANGULO SA 2022

INANUNSYO na ni former Senator Bongbong Marcos, Jr. ang kanyang intensyon na tumakbong Presidente sa 2022.

Ginawa ni Marcos ang pahayag sa inauguration ng headquarters niya sa EDSA, Mandaluyong City.

Si BBM, 64 taong gulang  ay nagsilbing dating Congressman, Governor ng Ilocos Norte at dating Senador.

Si Marcos ay tumakbong Vice-president noong 2016 elections pero “dinaya” umano at natalo sa electoral protest nya laban kay Leni Robredo.

Ayon kay Marcos, hinihikayat nya ang sambayanang Pilipino na samahan sya sa pagsusulong ng kaunlaran ng bansa sa gitna ng pandemya.

“That is why I am today announcing my intention to run for the presidency of the Philippines in the upcoming 2022 elections. I will bring that form of unifying leadership back to our country, Join me in this noblest of causes and we will succeed. Sama-sama tayong babangon muli” ayon kay Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na kailangan ng pagtutulungan ng bawat isang Pilipino para labanan ang COVID-19 na umanoy kumitil na ng maraming buhay.

“We must face the challenge as one country, as one people. Together  we must work towards shared vision of our country trough COVID and beyond COVID to find the way through this crisis with a common goal, mission to guide us and to lead us. I know it is this manner of unifying leadership that can lead us through this crisis. Get our peopleto work for all of us to begin, to live our lives once again,” pahayag pa ni Marcos.

Si Marcos ang ika-apat na kanidato na tatakbong Pangulo sa 2022 election.

Nanumpa si Marcos bilang chairman ng Partido Federal ng Pilipinas na supporter din ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lumulutang naman si resigned DPWH Mark Villar na malamang na kumandidatong Vice-President at maging ka-tandem ni BBM sa 2022 election. Sa press conference noong September 24, sinabi ni BBM na miyembro pa rin sya ng Nacionalista Party (NP), na pinamumunuan ni dating Senate President Manny Villar, Jr. at ng Kilusang Bagong Lipunan (KBL).