Naghain sa Commission on Elections (Comelec) ang ilang grupo ng petisyon para kanselahin ang Certificate of Candidacy (COC) ni dating Senador at Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa 2022 national elections.
Inihain ng political detainees, human rights at medical organizations na ang 50 pahinang Petition to Cancel or Deny Due Course the COC laban kay Marcos.
Giit ng mga petitioner, naglalaman ang COC ni Marcos ng “multiple false material representations”.
“Specifically, Marcos falsified his Certificate of Candidacy when he claimed that he was eligible to be a candidate for President of the Philippines in the 2022 national elections when in fact he is disqualified from doing so,” saad pa sa inilabas na pahayag.
Sinabi ng mga petitioner na hindi dapat tumakbo si Marcos dahil sa tax evasion conviction noong 1995 dahil sa kabiguang paghahain ng kaniyang income tax returns.
Noong October 10, 2021 naghain ng COC si Marcos para tumakbo sa pagka-pangulo.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE