November 2, 2024

BONGBONG MARCOS, HINIMOK NA DAPAT AYUSIN AT ITURO ANG TUNAY NA KASAYSAYAN NOONG MARTIAL LAW

Ngayong opisyal na ang pagiging president ni Bongbong Marcos, may rekwest ang ilan na dapat niyang gawin. Isa na rito na tiyaking maituro ng maayos ang history. Ituro ng tumpak ang kasaysayan ng bansa sa mga paaralan. Kaakibat din nito ang aral na mapupulot dito.

Ito ang pahaging ni outgoing Education Secretary Leonor Briones. As usual, gets natin ang gustong mensahe ni Briones. Ang ipagdiinan ang madilim kunong kasaysayan ng Martial Law. Batid ng ilan na si Briones ay isa sa biktima ng Batas Militar. Ewan kung saan siya naging biktima at kung sino ang may kagagawan.

Aniya, dapat repasuhin aniya kung papaano ituro ang history, lalo na ang tungkol sa ML. Hindi ba’t nadikdik na ng husto ang mga Marcos dahil sa distorted na pagtuturo nito? Mantakin ninyo, pinasama sa nakalipas na 36 taon ang mga Marcos. Pero, maliwanag sa iba na may mabuti ring naidulot ang Batas Militar.

Gayunman, ilahad natin ang kanyang mungkahi niya na may sense naman. Lalo na’t si Vice President Sara Duterte ang papalit sa puwesto. Hangad ni Briones na magkaroon ang mga mag-aaral ng access sa libre at de-kalidad na edukasyon.

Buweno, alam naman na ni Pres. Marcos ang tungkol dyan. Tungkol diyan, yan din ang ipagagawa niya kay VP Sara Duterte. Bukod dito, dapat ding tutukan ang human rights ng mga biktima nito. Teka, sino ba ang bumiktima sa kanila at sino lang ang mga biktima?

Hindi ba’t karamihan ng nagrereklamo nito ay ang mga pasaway at mga utak komunista? Mahalaga rin na maiungkat ang mga katanungan at sagot sa talagang nasa likod ng pangyayari.

Sa gayun ay maliwanagan ang iba, lalo na ang mga kabataan. Na dapat ay malaman nila at maituro sa kanila ang tunay na kasaysayan. Adios Amorsekos.