Magandang araw mga Ka-Sampaguita at sana’y nasa mabuti kayong kalagayan. Sa pagluwag ng sitwasyon ngayon, nabuhayan ang ating mga kababayan. Na binigyan ng otoridad ng konsiderasyon upang maging masaya.
Kaya nga, marami-rami na ang nagtutungo sa Bay Walk ( Manila Bay) kung saan nakalatag ang ‘dolomite’. Kung tutuusin, napakaganda ngayon dyan. Malinis, maaliwalas at kaaya-ayang pasyalan.
Kasama sa mga namasyal doon ang mga vlogger, small time man o big time. Nagsagawa sila ng survey tungkol sa 2022 national elections.
Ang iba sa kanila ay ay hawak na picture ng mga kandidato, lalo na sa pagka-Presidente. Kumbaga sa paninda, pinakyaw si Bongbong Marcos (BBM) na napipisil na iboboto.
May ilan na nagsabing si Manila Mayor Isko Moreno ang manok nila. Meron din kay Sen. Bato De la Rosa, Sen. Manny Pacquiao at VP Leni Robredo. Pero, bingo si BBM. Sa halos 100 taong itinanong, 95 run ang nagsabing siya ang iboboto. Siya ang nangunguna. The rest, dun s amga kandidatong ating nabanggit.
Walang daya ang panayam, patas at paniniwalaan mo. Naka-upload na rin sa YouTube Channel nila ang survey. Ibig sabihin, malaki ang tulong ng mga vloggers para maipaabot sa atin ang pulso ng taumbayan. Kayo a ang humusga at malalaman nyo kung sino talaga ang malakas. Adios Amorsekos.
More Stories
TUMATAKBONG SENADOR UMABOT NA SA KALAHATING BILYON ANG GASTOS SA KAMPANYA (Pero laglag pa rin sa Magic 12)
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?
DAPAT O HINDI DAPAT BAGUHIN ANG ORAS NG PASOK NG GOBYERNO?