Sinagot ni presidential aspirant at dating Sen. Bongbong Marcos ang isyu sa umano’y ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
“Sa pamilyang Marcos ay hindi na kami involved sa mga kasong ‘yan,” sagot niya nang tanungin sa DZRH kung ano ang gagawin niya sa ill-gotten wealth cases sakaling palaring maging pangulo. “If you will look at the judgments, may mga judgment na kontra sa amin pero nasa America ‘yun. At ang kanilang sinasabi ang dapat sumagot ay ang Philippine government.”
“Pabayaan natin, may batas naman, pabayaan natin na lumakad ang batas kung saan man, kung ano man ang magiging desisyon ng mga korte. Nandyan naman ang mga batas, kung ano ang decision, kung ano ang order ng court, ay susundan natin. Pabayaan natin ang batas ang umiral dito sa mga kasong ito,” dagdag niya.
Ang mga Marcos ay inakusahan na nalikom ng bilyun-bilyong ill-gotten wealth sa panahon ng kanilang paghahari, at ang Presidential Commission on Good Governance (PCGG) ay nilikha mismo upang mabawi ang mga ari-arian mula sa pamilya Marcos at mga kroni ng napatalsik na diktador.
Sa ngayon, P172.4 bilyon ang narekober ng ahensiya.
Sinisikap pa rin ng PCGG na mabawi ang P125 bilyon pa na nasa ilalim pa rin ng paglilitis.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna