December 25, 2024

BONG REVILLA, MAY PHOBIA NA SA MATAAS NA POSISYON

PHOBIA ang inabot ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., nang inasam niyang tumakbo sa mataas na posisyon. Hindi niya inaasahan na pagkakaisahan siya para pabagsakin huwag lamang tumakbo sa posisyon ng pagka-presidente ng Pilipinas, kaya hindi na siya nagtangka pa.

“Siguro kung tatakbo ako hindi sa mataas na posisyon, tatakbo ako bilang re-electionist pa rin. May phobia na ako dyan, dahil sa mataas na posisyon na tinangka kong takbuhin ay nakulong ako.

“Kaya ngayon hindi na ako nagtangka pang muli, mahirap na kahit hindi ko ginawa iyong ang ibinintang nila sa akin. Mabuti na lang at nabigyan ako ng tamang justice kaya ako nakalaya sa kasong hindi ko naman ginawa, pero matagal din akong nakulong.

“Basta ang masasabi ko lang, hindi na talaga ako tatakbo sa mataas na posisyon. Basta tinuldukan ko na hindi ko na hinangad pa, may phobia na talaga ako,” pagtatapos na saad ni Sen. Bong Revilla.