Mistulang binawi ni MMDA Task Force Special Operations Head Bong Nebrija ang nauna niyang pahayag na nasita ang convoy ni Senador Bong Revilla Jr sa EDSA Busway
Sa Kapihan sa Manila Bay, inamin ni Nebrija na hindi niya personal na nakita ang Senador o ang kanyang convoy.
Inamin din ni Nebrija na base lamang aniya ang impormasyon niya sa report ng MMDA enforcer na kasama nila sa operasyon.
Ayon aniya sa nasabing enforcer, naharang nila ang sasakyan ni Revilla at nagbaba aniya ng bintana ng sasakyan
Dahil dito, nagkaroon aniya siya ng judgment call para patuluyin na ang sasakyan na biyaheng northbound sa EDSA
Ngunit itinatanggi aniya ito ni Senador Revilla na nagsabing sa Skyway siya dumaraan at hindi sa EDSA.
Dahil dito, pina-iimbestigahan na aniya niya ang pangyayari at pinatitingnan ang lahat ng kuhang larawan at video
Humingi naman ng paumanhin si Nebrija kay Senator Revilla kung may pagkakamali sa impormasyon
Paliwanag ni Nebrija, sinabi ng enforcer na naroon ang Senador at nagbaba ng bintana ng sasakyan na maaaring hindi sapat para positibong matukoy ang sakay.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE