NILINAW ni Senator Chistopher Lawrence “Bong” Go, na hindi siya nakialam sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“Bilang Special Assistant of the President noon, I have no participation whatsoever, directly or indirectly, in the operational requirements of the war on drugs,” aniya sa isang statement.
“As stated in the Executive Order creating my position, my functions are limited to scheduling, appointments, and presidential engagements. My mandate does not include police operations. Kaya hindi ako nakikialam diyan,” dagdag niya.
Ito ang naging pahayag ni Go matapos ibunyag ni retired police colonel at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garman ang ‘pabuya’ system sa drug war sa pagdinig sa House quad-committee (quad-comm) noong Biyernes ng gabi.
Nabanggit din ni Garma ang pagkakasangkot umano ni Go sa reward system para sa mga pulis sa bawat mapapatay na drug personalities na mula umano sa “Davao model,” na kalaunan ay pinairal sa buong bansa, base sa kanyang affidavit.
Nabanggit pa niya na matapos ang pakikipagpulong kay Duterte sa kanyang bahay sa Dona Lisa, Davao City, hiniling umano sa kanya ng dating pangulo na maghanap ng opisyal ng Philippine National Police (PNP) o operatiba na miyembro ng Iglesia ni Cristo, dahil kailangan umano niya ang isang tao na may kakayahan na ipatupad ang war on drugs sa pambansang pulisya.”
Gayonman, naalala niya ang kanyang upperclassman na si National Police Commission (Napolcom) Commissioner Edilberto Leonardo na dati ring police colonel, miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Iglesia Ni Cristo.
“Leonardo subsequently informed me that he had prepared a proposal routed through Bong Go, outlining the task force’s operations, which would encompass Luzon, Visayas, and Mindanao,” saad niya.
Ibinasura ni Go ang nakakagulat na rebelasyon ni Garma dahil malinaw daw na isa itong diversionary tactics para guluhin ang totoong isyu na kanyang kinahakarap – ang kanyang partisipasyon sa umano’y murder plot.
“Malicious and unsubstantiated statements should have no place in any credible investigation,” saad niya.
Dagdag pa nito, na kanyang hihikayatin ang Senado na magsagawa ng impartial investigation kaugnay sa alegasyon na ito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA