
HIYAWAN at kinilig ang ilang dumalo sa campaign rally ng grupo ni Cabuyao, Laguna Councilor Tutti Caringal matapos nitong ipamalas ang kakaibang estilo sa pangangampanya.
Sa video na pinost ng Facebook page na Marites ng Calamba, mapapanood si Caringal habang hinaharana ang mga tao sa nasabing kampanya.
Si Caringal ay kilalang bokalista ng sikat na banda na 6Cyclemind na ngayon ay tumatakbong bokal ng ikalawang distrito sa Laguna.
Pero nagulat ang lahat sa kalagitnaan ng kanyang pagkanta, biglang nitong kinandungan nang paharap ang isang babae kaya’t naghiyawan na ang mga tao na animo’y na sa isang bar. Tinanggal nito ang suot-suot na face mask habang ito’y nakakandong.
Nang siya ay tumayo, biniro pa ng singer na may basa sa upuan ng babae.
Lalo pang naging masaya at nagsigawan ang mga tao sa kampanya, nang umeksena na ang mayor ng Calamba na si Timmy Pacheco nang patungan din nito ang kinandungang babae ni Caringal.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon