September 8, 2024

BODEGA NG PEKENG PRODUKTO, SINALAKAY NG NBI

SINALAKAY ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NCR) ang isang bodega sa Valenzuela City na nadiskubreng naglalaman ng pekeng “Lacoste” at “Crocodile design.”

Ayon sa ulat, nagsagawa ng inspeksyon ang NBI katuwang sina Kap. Martell Soledad at EX-O Ugto Ignacio sa naturang bodega makaraang mapaulat na imbakan ito at bentahan ng nasabing pekeng produkto.

Armado ng search warrant, pinasok ng mga awtoridad ang naturang bodega at doon tumambad ang sako-sako na mga pekeng produkto.

Una nang nakatanggap ng reklamo ang NBI mula sa kompanya at manufacturer upang mapigil at masugpo ang panggagaya ng mga branded na produkto.