Lumahok sa isang training ang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na naglalayong pahusayin ang kanilang compliance sa international trade requirements, partikular ang pagpapatupad ng risk analytics strategy.
Inorganisa ng Customs at Eurioean Union-funded ARISE Plus Philippines ang “Integrated Risk Management Awareness, Risk Analysis, and Treatment Workshop” para sa mga opisyal ng Risk Management Office (RMO) ng BOC at sa mga humahawak ng lisensiya at permit sa pakikipagtulungan ng Trade Regulatory Government Agencies.
“Risk-based decision-making is most effective when incorporating the Integrated Risk Management’s advocated elements, including synergy among TRGAs and customs and the application of robust ICT systems,” saad ni Chisa-Hasiena C. Mamowalas, BOC-RMO’s officer-in-charge.
“This session will underscore the importance of integrating risk management procedures among all agencies involved in national border control, emphasizing data-sharing, coordination, and efficient systems for assessing risks,” dagdag niya.
Para kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio, napakahalaga ng nasabing pagsasanay dahil binibigyan ang kanyang mga opisyal ng kasanayan na tutulong para mapadali ang mas maayos na trade processes, na mahalaga sa 5-Point Priority Program ng kanilang ahensiya.
Layon ng training na palakasin ang compliance ng BOC sa World Trade Organization – Trade Facilitation Agreement, ang Customs Modernization and Tariff Act, at pag-emerge sa national at international requirements.
Kasama rin dito ang isang malalim na talakayan at holistic approach sa mga paraan ng pagpapabuti ng tradional risk at government strategies ng Customs.
“Officials participated in various business cases such as covering discussions on defining risk descriptions, identifying risk areas, and establishing trigger criteria for risk profiles,” ayon sa BOC. “Participants also presented risk treatments, risk registers, and explored useful approaches to risk management,” dagdag pa nito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA