November 24, 2024

BOC PRINCIPAL EXAMINER, TINAMBANGAN


Sugatan ang isang principal examiner ng Bureau of Customs matapos barilin ng isang hindi pa nakikilalang motorcycle rider sa Sampaloc, Manila noong Enero 14.

Ayon sa report, naganap ang pamamaril sa Barangay 466 pasado alas-7:00 ng gabi.

Base sa kuha ng CCTV footage, lulan ng kanyang sasakyan ang biktima nang barilin  siya ng rider sa bintana.

Agad na tumakas ang gunman.

Nagtamo ng sugat sa leeg ang biktima na ngayon ay nagpapagaling na sa ospital.

“Fortunately, hindi siya napuruhan kaya nagawa niya pang maka-maneuver at makapunta sa kapatid niya somewhere sa Malate,” ayon kay Manila Police District PIO Police Major Philipp Ines.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na may tinambangan na empleyado ng BOC.

Iniimbestigahan ang naunang dalawang empleyado hinggil sa korapsyon sa ahensiya.

“Basing you know that the targets have been identified and ‘yong closeness ng incidents, of course, hindi naman maalis sa amin at sa mga tauhan namin na medyo mag-isip na baka may pattern,” ani BOC assistant commissioner Vincent Maronilla.

Bagama’t, itong kasalukuyang biktima ay hindi kasama sa imbestigasyon.

Nag-alok ng P300,000 reward ang BOC sa makapatuturo sa kinaroroonan ng suspek
Inaalam na ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang motibo sa pananambang. BOY LLAMAS