NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC) ang anim na inbound parcels na naglalaman ng mga illegal na droga na nagkakahalaga ng P25,458,900 sa isang warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA).
Nakuha ng Customs NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa nasabing mga parcel ang 68 ml ng marijuana oil (P3,400); 966 gramo ng marijuana candies; 50 gramo ng shabu (P340,000); 11,988 gramo ng marijuana kush (P16,783,200); at 4,897 tablets ng ecstasy (P8,324,900).
Kasama sa anim na parcel ang isang puting kahon na may lamang puting plastic pouch na may X at ipinadala ng isang John Williams mula Australia na naka-consigned kay Kage Jonathan Tobias na may lamang 50 gramo ng shabu. Habang ang isa pang puting kahon ay ipinadala ni Teodora Mendoza ng Adair St., US at naka-consigned sa isang Lily Dy Tan ng Banaw Street sa Maynila na naglalaman ng mga marijuana gummies.
Ang isang box na ipinadala ni Helen Grace Ovedo ng Los Angeles, California na naka-consigned kay Roger Bonaventura ng 2505 Barangay Highland Hills, Mandaluyong City na may lamang 4 vacuum sealed transparent plastic na may lamang pinatuyong dahon na hinihinalang kush.
Ang huli, ang isang parcel mula France na idineklarang “Lady’s jeans, shoe slipper, lads up and down, towels at handbags na ipinadala ng isang VanKoni Murie ng France at naka-consigned kay Kwakye Akwasie Kingley ng Pagsolingan Street, San Carlos Pangasinan na may lamang 4,897 colored tablets na hinihinalang ectasy na nakalagay sa isang plastic pouch na nakabalot ng duct tape.
Itinurnover ang nasabing mga droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa proper disposal at pagsama ng kaso laban sa mga sankot na importers at recipients.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY