MATAGUMPAY na nasabat ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang isang outbound cargo na naglalaman ng illegal na droga na idineklara bilang kitchen wall stickers.
Dahil sa kahina-hinalang imahe na na-detect ng Custom X-Ray officers, nagsagawa ng physical examination ang Customs Examiners kung saan tumambad ang 217.9 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,413,720 milyon.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang nagpadala at consignee ng nasabing droga dahil sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Drugs Act of 2002) at RA 10863 (Csutoms Modernization and Tariff Act.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA