HINIMOK ni Bureau of Customs-NAIA District Collector Carmelita Talusan ang mga stakeholder na gumamit ng online filing system upang maisulong ang trade facilitation at contactless transaction.
Sa isang pahayag, inamin ni Talusan na sa katunayan, naging mahirap ang taong ito dahil sa pandemya ng COVID-19 sapagkat naapektuhan ang lahat ng mga aspeto ng operasyon.
Tiniyak niya na ang Port of NAIA ay mananatiling buo ang suporta sa adbokasiya ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa pagtaguyod ng mga mandato ng bureau at makapaglaan ng maraming kinakailangan na kita upang suportahan ang mga proyekto at inisyatibo ng gobyerno sa gitna ng COVID-19.
“As the nation confronts various challenges through the middle of 2020, the Bureau of Customs Port of NAIA sustains efforts to perform its mandate of border protection, trade facilitation and revenue collection,” saad niya.
Bagamat bumagal ang kalakalan dahil sa pagtama ng COVID-19 pandemic, sinabi ni Talusan na ang Port of NAIA na nagsusumikap ang Port of NAIA upang matiyak na maipaprayoridad ang revenue collection.
Mula Enero hanggang Hunyo 2020, sinabi niya na nasa kabuuang P15.49 bilyong kita ang niambag ng Port ng NAIA na nakamit sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ‘One Stop Shop’ at iba’t ibang mga proseso sa online.
Sa aspeto ng border protection, para se Enero hanggang Hunyo 2020, nakasabat din aniya ang Port of NAIA ng 23 shipment ng ilegal na droga na aabot sa halagang P48.1 milyon; P1.3 milyon na halaga ng ilegal na imported meat products at mga relos; P2.5 milyon na halaga ng illegal Chinese medicines at P1.5 milyon halagang ng hindi deklaradong salapi.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA