January 8, 2025

BOC nagbabala sa pekeng Customs Memorandum

MARIING na kinondena ng Bureau of Customs (BOC) ang pagkalat ng pekeng Memorandum na may petsang Nobyembre 21, 2024, na naglalaman ng maling pahayag tungos sa pagpapatupad ng mandatoryong cash bond para sa mga bagong importer.

“The uncovered falsification of document, which was deliberately made to appear as one issued by the Office of the Commissioner, is a dire attempt to mislead the public and undermine the integrity of the BOC’s operations, not mention concomitant swindling schemes against gullible and unsuspecting transacting stakeholders,” ayon sa BOC.

Nilianaw ng Bureau na walang ganitong memorandum na inilabas ang Office of the Commissioner. Ang impormasyon at mga regulasyon na nakapaloob sa dokumento ay ganap na walang batayan at hindi sumasalamin sa mga patakaran o praktis ng ahensya.

Magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang BOC patungkol sa pangyayari upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga indibidwal o grupo na nasa likod nito. Ang legal na hakbang ay tiyak na isasagawa nang buong husay laban sa mga matutukoy na responsable sa panloloko na ito.


Hinihimok ng BOC ang publiko, mga stakeholder, at importing community na maging mapagbantay at beripikahin ang pagiging tunay ng anumang komunikasyon o patakaran sa pamamagitan ng opisyal na mga kanal. Lahat ng kaugnay na polisiya ng BOC ay nailathala sa kanilang opisyal na website sa customs.gov.ph.


Para sa mga katanungan o upang iulat ang mga kahina-hinalang dokumento, hinihimok ang mga stakeholder na makipag-ugnayan sa Bureau of Customs sa pamamagitan ng kanilang hotline sa (02) 8705-6000 o sa email na [email protected].