Sa isang makabuluhang hakbang tungo sa digital transformation, nagsanib-puwersa ang Bureau of Customs (BOC), Department of Information and Communications Technology (DICT), at iba pang relevant agencies, upang lumikha ng mas maginhawa at ligtas na travel experience para sa lahat ng mga biyahero at crew members. Ang inisyatiba ay bahagi ng inilunsad ng Enhanced e-Travel System na ginanap ngayong araw.
Kasama sa enhanced system ang generation ng single QR code para sa bawat pasahero na sumasaklaw sa requirement ng BOC, Bureau of Immigration (BI), Quarantine, Migrant Workers at Tourism. Nagbibigay-daan ito para sa isang mas tuluy-tuloy na proseso ng clearance, hindi maabala sa paghihintay at mabawasan ang kinakailangan na mga forms at checkpoints.
Ang iba pang pangunahing tampok ay ang seaport/cruise form, na gagawing simple at mabilis ang registration process sa mga seaport at cruise terminal, na magbibigay ng kaginhawaan para sa lahat ng mga biyahero.
Magmula nang simulan ito noong Disyembre 2022, patuloy na nag-i-improve ang e-Travel system. Bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap, nakikipagtulungan ang DICT sa BOC at Department of Migrant Workers (DMW) upang itaguyod ang key features, kabilang ang Customs Baggage Declaration Form, Currency Declaration Form, at Overseas Employment Certificate.
“The system benefits multiple stakeholders by streamlining travel processes and easing airport congestion. It advances inter-agency coordination by enabling real-time data sharing and enhancing the monitoring of travel flows. This improved data integration supports national security measures and aids in public health risk management by ensuring timely and accurate information for all relevant authorities,” ayon sa BOC.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA