November 16, 2024

BOC-COD NASABAT IPINUSLIT NA MGA SIGARILYO

NABIGO ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cagayan de Oro ang tangkang pagpuslit ng dalawang container ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P160 milyon matapos ang spot-check examination sa Mindanao Container Terminal Port, PHIVIDEC Compound, Tagoloan, Misamis Oriental.

Dumating sa Pilipinas ang kargamento galing China noong Disyembre 16, 2022.

Dumating ang containers noong nakaraang Disyembre 16 at ‘personal effects’ ang idineklarang laman ng mga ito.

Isinagawa ang spot check examination base sa hiling ng Customs Intelligence and Investigation Service at Surigao Field Station.

Nang buksan ang containers nadiskubre ang 2,000 master cases ng New Berlin cigarettes.

Agad na nagpalabas ng Pre-Lodgement Control Order si District Collector Alexandra Yap-Lumontad para sa posibleng paglabag sa RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.