MATAGUMPAY na natapos ng Bureau of Customs at World Customs Organization ang limang araw na sesyon na nakatuon sa pagsusuri sa internal corruption risk at paraan ng pagsupo nito.
Isinagawa ang naturang “mission” mula Setyembre 23 hanggang 27, 2024 at kasama ang mga eksperto mula sa World Customs Organization (WCO).
Isinagawa ang inisyatiba na ito sa ilalim ng Accelerate Trade Facilitation Programme, na suportado ng United Kingdom’s His Majesty’s Revenue and Customs, na ang layon ay palakasin pa ang anti-corruption at integrity measures ng BOC.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni BOC Commissioner Bienbenido Rubio ang kanyang pasasalamat sa mahahalagang kontribusyon ng international partners, partkular na sa WCO at Turkish Customs, sa pagpapalakas ng pagisisikap ng ahensiya na labanan ang katiwalian.
“We acknowledge that our engagement is crucial in fulfilling the activities and deliverables set for this mission. In this regard, we affirm our commitment to address issues of integrity in our regulatory and legal acts, core operational processes, and support and administrative processes,” saad ni Rubio.
Sa limang-araw na mission, sinuri ng mga participant ang resulta ng pilot implementation ng Standard Operating Procedures (SOP) para sa Conduct of Internal Analysis of Corruption Risks at isinasaalang-alang ang mga rekomendasyon upang matugunan ang mga natukoy na panganib sa legal at regulatory acts, core operational process, gayundin sa support at administrative process.
Isinagawa ang pilot implementation ng SOP sa Port of Manila, Manila International Container Port, Ninoy Aquino International Airport, Ports of Batangas, Cebu at Davao.
Ang field visits sa strategic customs offices, kabilang ang Port of Manila at NAIA, ay nagbigay ng pagkakataon sa mga participant na obserbahan mismo ang operasyon ng BOC, palakasin ang kanilang pang-unawa sa mga hamon at tagumpay sa pagpapanatili ng integridad sa mga proseso nito.
Pinangasiwaan din sa naturang “mission” ang pakikipagtalakayan sa private sector representatives, na binigyang-diin ang kahalagahaan ng public-private collaboration sa pagtaguyod ng transparency sa customs procedures.
Nagtapos ang “mission” sa pagsasapinal ng SOP at bilang ng rekomendasyon na isinama sa Integrity Action Plan. Ang resultang ito ay sumasalamin sa patuloy na pgsisikap ng BOC na palakasin ang kanilang anti-corruption strategies, na tinitiyak na pinangagalagaan ng ahensiya ang pinakamataas na pamantayan ng pamamahala at pananagutan, ang BOC ay nananatiling nakatuon sa pagpapaunlad ng kultura ng integridad sa loob ng kanilang hanay.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM