December 23, 2024

BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION

NAGKAROON ng pagpupulong ang Bureau of Customs (BOC) at International Trade Center (ITC) kamakailan lang na ginanap online upang talakayin ang progress at prioritize activities sa ilalim ng ARISE Plus Philippine Project.

Ang pagpupulong ay bahagi ng isang work planning exercises na ang layunin ay mapalakas ang epektibong koordinasyon sa pagitan ng project partners at matiyak ang full ownership ng mahahalagang facilitation initiatives sa panahon ng implementasyon.

Itinalaga bilang responsible sa Output 4 – Trade Facilitation component, pangangasiwaan ng BOC, katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) ang planning, implementing at monitoring priority activities.

Ang pagsisikap an ito ay iuulat sa Technical Working Group (TWG) at Project Steering Committee (PSC) para sa alignment at accountability, Sa pagpasok ng ARISE Plus Project sa huling taon nito, patuloy nitong tutukan ang pagpapalakas sa trade performance at competitiveness ng Pilipinas. Kabilang sa key areas ang pagpapalakas sa institutional at private sector capacities sa e-commerce, ang Authorized Economic Operator (AEO) Program at risk management.

Sa nasabing pagpupulong, binigyang-diin ng mga participants ang kahalagahan ng pagkumpleto ng key deliverables  na may kaugnayan sa e-commerce at AEO Program. Napagkasunduan nila na tapusin ang mga deliverables sa Pebrero 2025 upang lalo pang mapabuti ang customs processes at mapabilis ang trade facilitation.

Natalakay din sa pagpupulong ang updates sa Term of Reference (TOR) para sa e-commerce components, na nagbibigay-diin sa integrasyon ng mga Memoranda of Understanding (MOUs) kasama ang mga digital platform provider sa mas malawak na Customs Memorandum Order (CMO). Ang integrasyong ito ay mahalaga para sa pagtatatag ng matibay na mga framework para sa mga aktibidad ng e-commerce.

Tinugunan din ng pulong ang urgent completion ng Authorized Economic Operator (AEO) Operations Manual, isang priority initiative para sa BOC. Ang manual na ito ay magbibigay ng mga alituntunin at proseso para sa AEO portal, “The manual will incorporate updates to the AEO portal, reflecting recent system enhancements to streamline processes and enhance user experience,” ayon sa BOC.