KINUMPIRMA ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz na nakipag-usap na siya sa mga iba’t ibang agri-stakeholders partikular sa iba’t ibang grupo ng mga magsasaka.
Kabilang dito ang League of Associations of La Trinidad Vegetables kung saan pinag-usapan nila kung paano matutuldukan ang agricultural smuggling na matinding nakakaapekto sa mga local farmers.
Nakausap na din ni Ruiz si Manuel Lamata ang chairman ng United Sugar Producers Federation (UNiFED), kung saan tiniyak nito kay Ruiz ang full support ng pinakamalaking sugar bloc sa bansa.
Ganito rin ang naging tagpo sa meeting ni Ruiz at ni Edgardo Lomanog Jr, hepe ng sugar anti-smuggling organization, kung saan nagpahatid ito ng buong kooperasyon sa BOC para masolusyunan ang sugar smuggling sa bansa.
Ayon kay Ruiz nagkakaroon na nang ugnayan ang Customs sa Department of Agriculture (DA) para sa enhanced inter-agency data exchange sa pagkumpirma ng mga shipments at pagapapalakas ng derogatory at intelligence information. Para sa mas matinding laban kontra smuggling sinabi ni Ruiz na pinapatupad na nito ang mandatory inspection ng lahat ng reefer containers bago ilipat sa DA-accredited cold storage facility.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY