Nakipagpulong kamakailan lang si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio kay American Chamber of Commerce (AmCham) of the Philippines Executive Director Ebb Hinchliffe upang pag-usapan ang iba’t ibang isyu at concerns na nakaaapekto sa American at Philippine business sa bansa.
Sa nasabing pagpupulong, inihayag ni Commissioner Rubio ang kanyang pasasalamat sa American Chamber of Commerce para sa patuloy nitong pagpupursige tungo sa pagkamit ng iisang layunin na makapag-ambag sa socio-economic growth sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-promote sa American at Philippine businesses.
Ipinakita rin ng Commissioner ang Five-Point Priority Program, na naglalayong mapabuti ang kahusayan, i-upgrade ang systems at processes, at i-promote ang integridad at propesyonalismo. Binigyang-diin niya na 96.39% ng customs processes ang na-digitalize na, na nagpabilis sa pagproseso ng mga shipments habang pinapasimple at sinisiguro ang pagpapadali ng kalakalan.
Tinalakay din ng mga ahensiya ang iba’t ibang isyu at concerns na may kaugnayan sa Customs trade procedures at guidelines, gayundin ang border control at security measures. Layon ng pag-uusap na tugunan ang concerns at matiyak na ang mga kalakal na pumapasok at lumalabas sa bansa ay sumusunod at ligtas.
Bukas din si Commissioner Rubio na makipagtulungan sa American Chamber of Commerce of the Philippines kung saan sinabi nito na, “We believe that through continuous collaboration and dialogue with our partners, such as the American Chamber of Commerce of the Philippines, we can achieve our goals and make significant contributions to the country’s socio-economic growth.”
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW