November 2, 2024

BLOOD DONATION DRIVE NG CDC, TAGUMPAY

CDC BLOODLETTING ACTIVITY. Lumahok ang mga empleyado ng Clark Development Corporation (CDC) sa CDC Voluntary Blood Donation Program na isinagawa sa CDC – Health and Sanitation Division (HSD) Training Hall. Inorganisa ang naturang aktibidad  ng CDC-HSD team headed na si Dr. Clemencita Dobles. (CDC-CD Photo)


CLARK FREEPORT – Bilang katuwang ng Angeles University Foundation Medical Center (AUFMC) – Blood Bank, nagsagawa ng bloodletting activity ang Clark Development Corporation (CDC) sa loob nitong nasabing Freeport.

Lumahok sa nasabing aktibidad ang mga empleyado ng state-owned firm at mga manggagawa mula sa iba’t ibang kompanya sa Clark nitong Lunes sa CDC Health and Sanitation Division (HSD) Training Hall.

Ayon kay HSD Manager Dr. Clemencita Dobles, nakalikom ng may kabuuang 46 blood bags mula sa 46 successful donors. Sumailalim ang mga donor sa libreng basic health screening kabilang ang blood pressure check-up, blood glucose tests at Body Mass Index check bago magpakuha ng dugo.



Layon ng bloodletting activity na itaas ang public awareness kung gaano kahalaga ang pagdo-donate ng dugo at kung paano makatutulong ang inisyatiba na ito sa pagliligtas ng mga buhay. Sumusuporta din ang CDC voluntary blood donation program sa National Voluntary Blood Services Program (NVBSP) ng Department of Health. Ang programang ito ay alinsunod sa Republic Act No. 7119 na kilala rin bilang National Blood Services Act of 1994 na nagsusulong sa voluntary blood donation upang magbigay ng sapat na suplay ng ligtas na dugo at upang ma-regulate ang mga blood bank.

Bago ang pagsasagawa ng bloodletting drive, sinimulan din ng CDC- HSD ang iba pang aktibidad sa kasabay ng pagdiriwang ng World Health Day. Ilan sa mga ito ay ang pagbabakuna sa COVID-19 at Free Xray para sa mga PUV Driver, Utility and Maintenance personnel, Family Planning and Counselling, Free Medical Consultation, HIV/AIDS Testing and Counselling, Bone Scan Screening, at Renal Disease Prevention Program.