Inumpisahan na ang pagpapasinaya sa isang bago at maayos na Multipurpose Hall ng Barangay 34 sa Caloocan City, ito ay naitayo sa pamamagitan ng pondong nakalap ng kongresista ng Ikalawang Distrito na si Egay Erice.
Pinangunahan ni Rep. Erice ang ribbon cutting para i-turnover ang nasabing bagong barangay hall.
Sa isinagawang programa, labis ang pasasalamat ni Punong Barangay Tuti Arcadio at SK Chairman Miggy Tolentino at ng mga kinatawan ng Sangguniang Barangay nito sa bagong multi purpose hall na ipinagkaloob sa kanila ng kongresista at ayon sa kanya ay malaking tulong ito sa mga programa at gawain ng barangay.
“Mas maayos, mas pinaganda at handang-handa na muli magserbisyo sa mamamayan ng Barangay 34 ang bagong Barangay Hall,” ayon kay Erice.
Dinaluhan din ang nasabing program nina Konsehal PJ Malonzo, Konsehal Alex Mangasar, Kon Merville Orozco, Kon Wewel De Leon at Konsehal Carding Bagus.
Hanggang sa ngayon ay bukas sa mga nagpapaabot ng tulong at patuloy pa rin si Cong. Erice sa paghahanap ng pondo para sa pagsasaayos ng mga pang imprastraktura na kahilingan ng mga barangay sa lungsod ng Caloocan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA