Nagpasya ang Los Angeles Lakers na suutin ang ‘Black Mamba’ uniform sa Game 5 ng 2020 NBA finals. Ito ay bilang pagbibigay karangalan na rin sa yumaong Lakers legend na si Kobe Bryant.
Nakapagtala ng 4-0 record ang Lakers sa season kapag suot ang nasabing uniform. Ang original plan ng team, suutin ang jersey kung aabot ang laro sa Game 7.
Ngunit, napagkasunduan nila na suutin na sa Game 5 para sa potential- championship clinching.
“If we lose in those jerseys, we just feel like we let him down,”ani Anthony Davis sa The Jump.
“Everybody on this team, Kobe has touched in some form or fashion.”
“We wear those jerseys with pride. We know how much he wanted for us to win this year,” aniya.
Ang nasabing uniform ay dinisenyo ng Nike sa collaboration ni Bryant. Samantala, ikinatuwa naman ng misis ni Kobe na si Vanessa ang move ng Lakers.
“Mamba and Mambacita jerseys approved for game 5,” ani Vanessa Bryant sa Instagram story nito.
“Let’s go @lakers,” dagdag nito.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na