December 24, 2024

BLACK FRIDAY PROTEST VS DSWD INILUNSAD

Naglunsad ng pagkilos na binansagan nitong “Black Friday Protest” ang mga kawani at empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buong bansa sa pangunguna ng unyon na Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP) noong Setyembre 15. Protesta ito laban sa plano ng pamunuan ng DSWD na isentralisa ang maraming programa ng kagawaran.Paliwanag ng unyon, posibleng magdulot ang programa ng pagkalusaw ng ilang DSWD Field Offices na may kaakibat na malawakang paglilipat ng mg kawani at tanggalan sa hanay ng mga kontraktwal na manggagawa sa pagtatapos ng taon.Dismayado ang asosasyon sa pamunuan ng DSWD dahil walang konsultasyong naganap kaugnay ng naturang plano. Giit nito, paglabag sa Collective Negotiation Agreement (CNA) sa pagitan ng DSWD at unyon ang planong ito ng kagawaran.“Ang kasalukuyang plano na maglipat ng makabuluhang bilang ng ating kapwa empleyado ay magdudulot ng tanggalan at paghihirap sa mga apektado ay pasilip lmang sa napakaraming isyu at usapin na kinakaharap natin bilang mga manggagawa ng DSWD,” ayon sa grupo.Giit ng SWEAP, mahalagang manindigan sila ngayon dahil sa mahabang panahon ay pinatatahimik at pinagwawatak-watak ang boses nila bilang mga ordinaryong empleyado ng DSWD. Dapat din umanong mabasag ang maling kalakaran simula noong panahon ng rehimeng Duterte na kinakausap lamang sila ng maneydsment ng DSWD matapos ipatupad ang mga mapanirang programa at patakaran.Sa harap nito, sinabi ng grupo na makatarungan lamang na kumilos sila dahil may karapatan ang mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor na maging organisado, kolektibong makipagnegosasyon, at maglunsad ng sama-samang pagkilos kabilang na ang pagwewelga. Kasali rin umano dito ang karapatan nilang makatanggap ng nakabubuhay na sahod, at katiyakan sa trabaho at makataong kalagayan sa paggawa.Ipinabatid ng ourage (Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees), pambansang unyon ng mga kawani ng gubyerno, ang suporta sa SWEAP. Anila, “saludo ang Courage sa Sweap sa pgtindig nito para ipagtanggol ang karapatan ng mga manggagawa ng DSWD at nagpapabot ng walang-humpay na pakikiisa sa kanilang pakikibaka para sa mas maunlad na paglilingkod sa mga manggagawa ng DSWD.”