NASA malubhang kalagayan ang isang byudo matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Patuloy na inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Ray Panganiban, 31, ng buy and sell ng 15 C. Rep. Ignacio St. Brgy. Daang Hari, Navotas City.
Ipinag-utos naman ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao sa kanyang mga tauhan ang pagtugis sa suspek na nakilalang si Angelo Lazaro, nasa hustong gulang ng 81 Gen. P. Borromeo St. Brgy. Longos, Malabon City.
Sa pahayag ng saksing si Alvin Clemente, 37, ng Azucena St. Brgy. Longos kina police investigators PMSg Julius Mabasa at PSSg Ernie Baroy, alas-12:20 ng madaling araw, bumili sila ng biktima ng sigarilyo sa tindahan sa C-4 Road, Brgy. Longos nang dumating ang suspek at niyakap si Panganiban.
Matapos nito, umalis sila ng biktima sa lugar para umuwi na subalit hinabol ng suspek si Panganiban saka inundayan ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.
Isinugod naman ang biktima ng saksi at ng rumespondeng mga tauhan ng Sub-Station-5 sa nasabing pagamutan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA