Swak sa kulungan ang isang 51-anyos na biyudo matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Marcelo Amor, (watchlisted) ng 252 Abby Road 2, Brgy. 73.
Ayon kay Col. Mina, nakatanggap ng infomation report ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa Intelligence Section ng Caloocan police hinggil sa umano’y ilegal aktibidad ng suspek kaya’t isinailalim ito sa surveillance operation.
Dakong 3:50 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra sa suspek sa Abbey Road 2, Brgy. 73 kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makaorder sa suspek ng P10,000 halaga ng shabu.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga, cellphone, improvised/homemade handgun, 3 bala ng hindi pa matukoy na kalibre ng baril at buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at 9 piraso boodle/money.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA