Ipatutupad na ng pamahalaang lalawigan ng Albay ang border entry restriction para lahat ng bus, sasakyan at anumang uri ng transportasyon na manggaling sa labas ng Bicol region.
Ayon sa ipinalabas na Executive Order No. 08 ni Governor Al Francis Bichara, hihigpitan ang pagpasok ng tao/sasakyan sa naturang lalawigan sa land at sea na sinimulan alas-12:00 ng hating gabi ngayong Marso 19, 2021 hanggang sa ito’y bawiin.
Exempted naman ang lahat ng sasakyan o transportasyon na maghahatid ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, medisina, tubig, gasoline at iba pang petroleum products, agricultural products at iba pang sangkap gaya ng fertilizers, feeds maging ang power/telecommunication equipment at supplies; construction materials at aggregates.
Pangangasiwaan naman ng lahat ng local chief executives, parikular ang mga nasa point of entry, ang naturang kautusan at magmo-monitor sa lahat ng biyahero at kanilang mga aktibidad.
Maglatag din ng mga border checkpoint, partikular sa Albay-Camarines Sur border (Polangui), Tiwi-Camarines Sur border (Tiwi-Sagay Coastal Road) at Libon-Camarines Sur border.
Sinumang dadaan sa borders sa naturang lalawigan ay kinakilangan ipakita ang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) Test Result, Antigen Test Result o Saliva Test Result na inisyu ng local health officer sa lugar na pinanggalinggan sa loob ng tatlong araw bago ang naka-iskedyul na paglalakbay sa lalawigan para sa screening purposes.
Ang LGU ay magsasagawa rin ng kanilang hiwalay na profiling sa mga biyahero na nagpositibo sa COVID-19 at sasailalim sa quarantine sa itinalagang quarantine facility at dapat makipag-coordinate at isimute ang kanilang daily report sa PHO para sa monitoring purspise
Kinakailangan din magdala ng identification card, travel order at travel itinerary at pumasa sa symptom-screening sa point of entry at exit ang Persons Outside of Residence (APORs) alinsunod sa IATF Resolution No. 98-A na may petsang Pebrero 4, 2021.
Sa mga empleyado at wage earners mula sa local o kalapit na probinsiya kailangan lamang ipakita ang identification card na inisyu ng kanilang employer na ang negosyo ay nakarehistro nang maayos sa DTI.
Ang lahat ng papasok sa Alvbay, sa transit o sa huling destinasyon ay maari ding gumamit ng ALBAYGET-PASS para sa contact tracing.
Nakakabit ang mga monitor para sa ALBAYGET-PASS sa lahat ng boundary checkpoints sa Albay para sa epektibong contact tracing sa lahat ng pasahero na manggagaling sa Metro Manila at iba pang lalawigan sa labas ng Bicol Region.
Ang kabiguang sumunod sa nasabing direktiba ay sasampahan ng naaangkop na kaso alinsunod sa Batas ng Republika Blg. 11332 at iba pang mga nauugnay na batas na nalalapat.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE