April 24, 2025

BITIN ANG BIDA! 2025 PBA All-STAR, KAKANSELAHIN NA

WALANG HOST, WALANG SHOW! Malaking posibilidad na tuluyan nang ma-shelve ang inaabangang 2025 PBA All-Star Game matapos mabigo ang liga na makipagkasundo sa isang probinsyang sana’y magho-host ng mid-year basketball extravaganza.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nagkausap na sila ng isang lokal na pamahalaan para i-host sana ang event, pero hindi nagtagpo ang mga iskedyul.

“Yung All-Star malamang mawala kasi yung kausap nating probinsya, hindi sila pwede sa mga dates,” ani Marcial nitong Miyerkules, Abril 23.

Unang pinlano ang All-Star Weekend sa Davao sa unang linggo ng Mayo, pero dahil sa security concerns, naudlot ito. Sinubukang itulak ang event sa May 16-17, matapos ang eleksyon, pero wala nang ibang LGU ang kumagat bilang host.

Resulta? Wala na. Cancelled na.

Pero may good news pa rin kahit papano: matutuloy pa rin ang trust fund ng mga players kahit kanselado ang All-Star.

Sayang, mga idol! Walang dakdakan, walang slam dunk, walang fan meet. Mukhang hanggang highlight reel muna ang PBA fans ngayong taon.

Abangan nalang ang susunod na tipoff! (RON TOLENTINO)