November 24, 2024

BISTEK’ SIBAK SA LACSON-SOTTO TEAM

MAYNILA – Tanggal na si dating Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa senatorial slate ng Lacson-Sotto tandem.

Ito ang kinumpirma nina Senator Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III sa isang press conference bago ang kanilang campaign rally sa Quezon Memorial Circle.

Ayon kay Lacson, lumiham sa kanya si Bautista na humihingi ng permiso na maging representante ng Nationalist People’s Coalition (NPC) sa ilalim ng UniTeam, isang political coalition na sumusuporta sa kandidatura ng isa pang presidential at vice presidential tandem  na sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio.

Si Sotto ang chairman ng NPC habang si Lacson ang chairman ng Partido Reporma.

Ang NPC ay pinamumunuan ni Sotto habang chairman naman si Lacson ng Partido Reporma.

“Hindi ko maintindihan kung papaano ko sasagutin. Ang sabi niya, nagpapaalam siya kung siya na ‘yung pwedeng NPC representative sa UniTeam, papaano mo sasagutin yon?” saad ni Lacson sa liham ni Bautista. “So sinabi ko kay SP (Senate President), hindi ako concern dito, hindi naman ako sa NPC, pero itong sulat niya hindi ko rin maintindihan, tinanong ko lahat ng staff ko papaano ko sasagutin ito? Walang makasagot,” dagdag niya.

Nang tanungin kung opisyal nang wala si Bautista sa senatorial slate nina Lacson at Sotto, sinabi ng dalawang senador: “Wala na.”