Tumaas ang kilay ng mga netizens sa ilulunsad sanang programa ng Department of Tourism (DOT) sa pamumuno ni Secretary Christina Frasco.
Inanunsyo ng DOT na ilulunsad nila ang ‘Bisita Be My (BBM) Guest Prgram’ kung saan ay bibigyan ng insentibo ang mga Overseas Filipino WOrkers (OFWs) na mag-iimbita ng kanilang mga kaanak, kaibigan at iba pang turista na bisitahin ang Pilipinas.
Maganda naman ang adhikain ng nasabing programa ay may ilang netizens ang hinimok si Frasco na ibahin ang pangalan nito.
Ayon kasi sa kanila ay tila isinusunod ng pangalan ng programa kay Pangulong Bongbong Marcos na mayroong palayaw na ‘BBM’.
“Naku Secretary Christina Garcia Frasco of the Department of Tourism – Philippines… Huwag po! Please lang, scrap the name please!!!” sabi ng radio host na si Mark Lopez na isa ring masugid na tagasuporta ng kasalukuyang administrasyon.
“Mawalang galang na Madam Sec, pero bukod po sa napaka plain speaking and redundant (Bisita na, Guest pa), yung pagpilit na gawin BBM ang acronym ng nasabing toursim campaign eh so contrived and masyado pong pilit.
“We are talking of tourism here, and it will have wide international exposure. It should be about our country, and not about the President, regardless of who is the sitting one at the moment.
Kahit mismong si Marcos diumano ay papalag sa pangalan ng programa dahil tila ay may pagka-epal ito.
Nagbigay naman agad ng tugon si Frasco at sinabi na ‘under-review’ pa ang pangalan ng kanilang programa.
“I value your voice because afterall we are all stakeholders in the sucess of tourism and of our country,” ani Frasco sa kanyang isinulat na love letter sa mga Filipino.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA