Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal (TWCS) number 1 ang walong lugar sa bansa matapos maging ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na pinangalang Bising.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakita ang sentro ng bagyo sa may 790 kilometers ng East ng Surigao City sa Surigao del Norte.
May taglay ito na lakas ng hangin na 150 kilometer at pagbugso ng hanggang 185 kilometers.
Magdudulot ito malakas na pag-ulan sa bahagi ng Eastern Visayas at Camotes Islands.
Nagbabala ang PAGASA na maaaring magkaroon ng pagbaha sa nabanggit na mga lugar.
Nakataas ang signal number 1 ang mga lugar sa Visayas: Visayas:
Eastern Samar, eastern portion ng Northern Samar (Las Navas, Catubig, Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Lapinig), ang sentral at southern part ng Samar (Marabut, Basey, Santa Rita, Villareal, Talalora, Daram, Pinabacdao, Zumarraga, Calbiga, San Sebastian, Hinabangan, Paranas, Motiong, Jiabong, Catbalogan City, Tarangnan, San Jorge, Pagsanghan, Gandara, Matuguinao, San Jose de Buan), the eastern portion of Leyte (Abuyog, Mahaplag, Javier, Macarthur, Mayorga, La Paz, Dulag, Julita, Burauen, Tolosa, Tanauan, Tabontabon, Dagami, Pastrana, Palo, Jaro, Alangalang, Santa Fe, Tacloban City, Babatngon, San Miguel, Barugo, Tunga), at eastern part ng Southern Leyte (Sogod, Silago, Hinunangan, Hinundayan, Anahawan, San Juan, Saint Bernard, Libagon, Liloan, San Ricardo, Pintuyan, San Francisco).
Habang a Mindanao ay itinaas sa mga lugar ng : Dinagat Islands, Surigao del Norte (including Siargao and Bucas Grande Islands), and Surigao del Sur.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE