Sikat na sikat ang Bioman noon na isang sentai series ng Japan dito sa Pilipinas. Kung ikaw ay batang 80’s at 90’s, aba’y nostalgic na ito at alaalang hindi malilimutan.
Bahagi na ito ng ating kamusmusan, na magpahanggang ngayon ay nasa sistema pa natin. Minahal natin ang Bioman at pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon ang mga bida.
Sa isang research noon ng kuya ng aking kaklase noong 1990, isa Bioman sa kanyang proyekto. Nagtanong-tanong siya sa mga kakilala at kaibigan para sa kanyang research project.
Ang tanong sa sa questioner, “Kung magkakaroon ng Pinoy version ang Bioman, sinu-sino sa mga artista ang gusto mong gumanap dito’. Karamihan ay nasa palabas na ‘That’s Entertainment’.
Narito ang lumabas na resulta noon na sana’y nagkatotoo.
Lumabas si Romnick Sarmienta na gaganap bilang Red 1. Si Michael Locsin naman si Green 2, Jojo Alijar bilang Blue 3.
Type naman ng mga girls na gumanap bilang Lilet (Yellow 4 orig). Isabel Granada bilang Yellow 2 at Jennifer Sevilla bilang Pink 5. Kung nagkatotoo ito ay natuloy, naku ang ganda sana.
More Stories
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?