December 24, 2024

Bio-molecular lab binuksan sa Clark Freeport


PRC-BIO MOLECULAR LAB SA CLARK BINUKSAN. Pinangunahan nina (mula kanan pakaliwa) Clark Development Corporation (CDC) President and CEO Noel F. Manankil, Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Senior Vice President Joshua Bingcang, Mabalacat City Mayor Crisostomo Garbo, Pampanga Governor Dennis Pineda, Senator Richard Gordon, Tarlac Governor Susan Yap, BCDA President at CEO and National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vivencio Dizon, at mga opsiyal mula sa Philippine Red Cross (PRC) ang pagbubukas ng PRC Bio-Molecular Laboratory sa Clark. Aabot sa 2,000 tests kada araw ang kayang isalang sa Subic at Clark laboratories. (Kuha ng CDC-CD)


BINUKSAN na ang bagong bio-molecular laboratory ng Philippine Red Cross (PRC) sa Clark Free Fort Zone sa Pampanga.

Ayon kay Senator Richard Gordon, PRC chairman at chief executive officer, ng nasabing laboratoryo ay magpapalawak sa COVID-19 testing capacity sa bansa.

Aniya na ang bio-molecular laboratory ay itinayo sa Clark Civil Aviation Complex sa pakikipagtulungan ng Conversion and Development Authority matapos pumasa sa proficiency test ng Research Institute for Tropical Medicine’s (RITM) at akreditado bilang certified COVID-19 testing center.

“Our molecular laboratory in Clark is equipped with polymerase chain reaction (PCR) machines that are capable of testing 2,000 samples per day, which will enable us to run an overall total of 16,000 tests a day since we are also opening our laboratory in Subic. This will really help us as we ramp up our testing capacity so that more people will get tested all over the country,”  sambit ni Gordon.

“Our aim is to really get our people tested so that we can immediately isolate those who are affected and prevent the non-carriers from acquiring the virus. We really have to ramp up testing to ensure victory over COVID,”  dagdag pa niya.

SINAMAHAN nina Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President and CEO at National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vivencio Dizon (ikalawa mula sa kanan), Clark Development Corporation (CDC) President at CEO Noel F. Manankil (pinaka-kaliwa), Mabalacat City Mayor Crisostomo Garbo (ikalawa mula sa kaliwa), Pampanga Governor Dennis Pineda (ikaapat mula kaliwa), Tarlac Governor Susan Yap (una mula kanan) si Senator Richard Gordon (ikatlo sa kaliwa) para inspeksiyunin ang bagong bukas na Philippine Red Cross (PRC)  Bio-Molecular Labaratory sa Clark.  Malaki ang maitutulong ng nasabing laboratoryo para sa paglaban sa COVID-19. Bukod sa Bio-molecular laboratory sa Clark, isang PRC Bio-Molecular Laboratory na may parehong kapasidad ang ilalagay sa Subic habang walong iba pang pasilidad ang magbubukas sa Batangas, Laguna, Mandaue City, Cebu, Isabela, Cagayan de Oro, Zamboanga City, Bacolod City at Surigao. (Kuha ng CDC-CD)

Sinabi niya rin na ang dalawang molecular laboratories ng PRC ay matatagpuan sa kanilang national headquarters sa kahabaan ng EDSA sa Quezon City,

“Aside from these, another laboratory in its former headquarters in Port Area, Manila is already running. Other testing centers in Batangas, Laguna, Mandaue City, Isabela, Cagayan de Oro, Zamboanga City, Bacolod City, and Surigao are also opening soon. The Red Cross is planning to add 10 more PCR machines in the Manila lab, which will allow them to do a total of 46,000 tests per day,” aniya.