NASABAT sa isang 15-anyos na binatilyo ang higit sa P28,000 halaga ng shabu matapos masakote isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa gitna ng lockdown sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala lang ang suspek sa alyas “Enteng” na natimbog ng mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-8:05 ng gabi sa kahabaan ng Judge A. Roldan St. Brgy. San Roque matapos bentahan ng isang plastic sachet ng shabu ang isang police poseur-buyer kapalit ng P300 marked money.
Ang suspek ay hindi kabilang sa list ng mga hinihinalang drug personality subalit dahil sa ilang mga reklamo na natanggap hinggil sa kanyang illegal na aktibidad ay isinailalim ito sa surveillance operation.
Matapos makumpirma na sangkot ito sa pagbebenta ng illegal na droga ay agad isinagawa ang buy-bust operation ng mga operatiba ng SDEU na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.
Nakumpiska ng mga operatiba sa suspek ang 11 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 4.1 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P28,880.00 ang halaga at buy-bust money.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?