Isang 13-anyos na batang lalaki ang nawawala matapos tangayin ng tubig makaraang tumalon sa tulyahan river para maligo sa Malabon City, Linggo ng hapon.
Sa report na nakarating kay Malabon police deputy chief PLTCOL Rhoderick Juan, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente sa Tulyahan River sa Brgy. Tinajeros.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon, niyaya umano ang biktimang si alyas “Vincent”, grade 7 student at residente ng Brgy. Catmon ng kanyang dalawang kaibigan na edad 14 at 9 na maligo sa Tulyahan river.
Pagdating sa lugar, agad umanong naghubad ang biktima saka tumalon sa ilog subalit, makalipas ang ilang sandali ay nakita siya ng kanyang mga kaibigan na humihingi ng tulong kaya tumalon din sila sa ilog para tulungan ang biktima.
Gayunman, hindi na nila nagawang nailigtas ang biktima matapos tangayin ng tubig hanggang sa mawala ito na naging dahilan upang humingi ng tulong ang mga saksi sa mga awtoridad.
Kaagad namang nagsagawa ng search at rescue operation ang mga tauhan ng Philippine Costguard subalit, hindi nila natagpaun ang biktima kung saan bandang alas-8:55 ng gabi nang pansamantalang itinigil ang search at retrieval operation dahil sa kakulangan ng oxygen supply.
Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy pa rin ang isinasagawang search at retrieval operation ng mga awtoridad sa naturang lugar upang makita ang biktima. (JUVY LUCERO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY