NABISTO ang ginawang pagnanakaw ng 16-anyos na binatilyo sa limang imported na panabong na manok nang makawala ang isa sa mga isinilid niya sa dalang sako Huwebes ng gabi sa Malabon City.
Patakas na sana ang menor-de-edad na kawatan na itinago lang sa alyas “Roger” nang biglang magpipiglas hanggang sa makawala ang isa sa limang mamahaling panabong na naging dahilan upang makatawag pansin kay Ernesto Abil, 30, kapitbahay ng may-ari ng mga manok na si Almalyn Sagubang, 49 ng No. 43 Samahang Maclen Ville (SMV) Int. Sanciangco St. Brgy. Catmon.
Kaagad na ipinarating ng testigo kay Sagubang ang nasaksihan kaya’t hiningi nila ang tulong ng barangay tanod na nagroronda sa lugar na naging dahilan upang madakip si Romy.
Sa ulat nina P/SSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Mardelio Osting kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, dakong alas-11 ng gabi ng gapangin ng suspek ang kulungan ng mga imported na panabong na manok sa gilid ng bahay ni Sagubang at dahan-dahang isinilid isa-isa sa dalang sako.
Nabawi naman ng pulisya ang apat na panabong subalit nabigo na silang mahanap pa ang isang nakapiglas at tuluyang naka-alpas sa loob ng sako. Inaalam na rin ng pulisya kung sino ang kasabuwat o nag-utos sa binatilyo na tangayin ang mga mamahaling panabong na manok na posibleng ibenta sa mga sabungero.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA