DEDBOL ang isang 21-anyos na binata matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek habang ipinaparada ng maayos ang kanyang motorsiklo sa Malabon City.
Nakuhanan ng CCTV ang ginawang pamamaril ng suspek sa biktimang si alyas “Julius Kulot” residente ng Bagong Barrio, Caloocan City na namatay kaagad sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.
Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nangyari ang insidente dakong ala-1:15 ng hapon ng Sabado sa harapan ng De La Salle University sa Brgy. Potrero habang inaayos ng biktima ang pagparada ng kanyang motorsiklo sa harapan ng naturang Pamantasan.
Sa pahayag sa pulisya ng saksing si alyas “Rolly” 39, vendor ng mani sa lugar, nakita niya ang pagdating ng dalawang lalaking magka-angkas sa motorsiklo na parehong nakasuot ng itim na jacket at huminto sa tabi ng biktima.
Bumaba ang naka-angkas na armado ng baril at malapitang pinaputukan ng tatlong beses ang biktima bago mabilis na nagsitakas patungo sa Bagong Barrio sa Caloocan.
Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakadakip sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa pamamaril.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA