Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa loob ng isang computer shop kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan City Police, dakong alas 3 ng madaling araw naganap ang pamamaril kay Crisanto Arisme, 22, sa loob ng computer shop sa Sto Nino de Maligaya St., Brgy. 177.
Nagko-computer umano ang biktima sa naturang lugar nang biglang pumasok ang dalawang hindi kilalang lalaki at walang sabi sabing pinagbabaril ito sa ulo at katawan.
Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon.
Ayon sa ama ng biktima, wala siyang alam na kaaway ng kanyang anak subalit, sinabi ng nanay nito na minsan na umanong nasangkot ang anak sa iligal na droga.
Patuloy naman ang follow up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA