ISINELDA ang isang 22-anyos na binata na wanted sa kasong panggagahasa sa Caloocan City matapos maaresto ng mga tauhan ng Navotas police sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si John Joshua Mendros, 22 ng Northville 2B, Blk 83, Lot 8, Bagumbong, Brgy. 171, Caloocan City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Umipig na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police na madalas umanong makita sa Navotas City ang akusado.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS sa pangunguna ni PCpt Gregorio Cueto, kasama ang Intelligence Section sa pangunguna ni PCpt Luis Rufo Jr, ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Mendros sa Lapu Lapu avenue bridge, Brgy. NBBS Dagat-dagatan, dakong alas-10:30 ng umaga.
Ani Col. Umipig, si Mendros ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Teresa De Guzman Alvarez ng Regional Trial Court (RTC) Branch 131, Caloocan City para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
More Stories
KRIMEN SA METRO MANILA BUMABA
FILIPINO LAWYER DADALO SA INAGURASYON NI TRUMP
60-ANYOS PINUGUTAN NG ANAK; LAMAN-LOOB TINANGGAL