ISANG binata na sinasabing may sakit sa pag-iisip ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat na isinumite nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Michael Oben sa tanggapan ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro, una na umanong tinangkang magpakamatay ng 20-anyos na biktima dakong alas-8:30 noong Linggo ng gabi sa loob ng kanilang tirahan sa Caingin St. Brgy. Tinajeros subalit napigilan siya ng babaing kanilang kaanak.
Dakong alas-12:50 ng madaling araw nitong Lunes nang matuklasan ng isa pang kaanak na lalaki ang biktima na nakabitin sa loob ng banyo ng kanilang tirahan, gamit ang sinturon na ipinulupot sa kanyang leeg, at ang kabilang dulo ay itinali sa kahoy na pinagpapakuan ng kisame.
Kaagad ipinaalam ng saksi sa 46-anyos na ama ng biktima ang pangyayari at magkatuwang nila na pinutol ang nakapulupot na sinturon sa leeg ng kanyang anak subalit, wala na itong buhay.
Sa isinagawang cursory investigation ng pulisya, sinabi ng ama ng biktima na dumaranas ng mental illness ang kanyang anak kung saan nag-executed ito ng isang affidavit na hindi na sila interesado sa isasagawang autopsy sa bangkay ng biktima dahil naniniwala sila na walang naganap foul play sa pagkamatay nito.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO