TINATAYANG mahigit P6.2 milyon halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na naaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, Biyernes ng umaga.
Kinilala ang naarestong suspek bilang si Jenny Roy Dayrit, 24 at residente ng 980 F2 Hermosa Street, Tondo, Manila.
Nabatid na dakong alas-6:05 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO sa second floor, unit 2-G building 361, Barangay 18, Caloocan City.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P9,000 halaga ng marijuana.
Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang brick plastic wrapped ng marijuana ay agad lumapit ang back na operatiba at inaresto ang suspek.
Maliban sa isang brick ng marijuana na nabili ng mga operatiba, narekober pa sa suspek ang isang sako bag na naglalaman ng 51 pirasong bricks transparent plastic wrapped na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana at fruiting tops na may standard drug price P6,240,000, buy bust money na isang tunay na P1,000 at 8 pirasong P1,000 boodle money.
Kasong paglabag sa Sec. 5 (Selling of Dangerous Drugs) at Sec. 11 (Possesion of Dangerous Drugs), Art. II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD