PANGUNGUNAHAN ni women billiards phenom Leslie Gaite ang mga panauhin sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, April 20 sa PSC Conference Room sa Malate, Manila.
Makakasama ng 20-anyos na si Gaite, tinanghal na kampeon sa katatapos na Amit Cup women’s billiards championship, ang organizer ng torneo na si three-time World Champion at billiards superstar Rubilen Amit at tournament director na si Ren De Vera sa programa ganap na 10:30 ng umaga.
Ang Amit Cup ang kauna-unahang all-women billiards tournament na itinataguyod ni Amit bilang bahagi ng pagpapalakas sa grassroots development program ng sports at matulungan ang mga kababaihan na maipamalas ang kanilang mga talento sa sports lung saan nagging tanyag ang mga Pinoy sa world stage tulad nina Amit at hall-of-famer Efren ‘Bata’ Reyes.
Inaasahan naming magbibigay ng kanilang kahandaan sa nalalapit na Southeast Asian Games sa Cambodia ang Philippine Bifin swimming team na pangungunahan ni team manager swimming coach Anthony Reyes sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at Behrouz Persian Cuisine. Inaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo ang mga miyembro at opisyal gayundin ang sports enthusiast na makiisa sa talakayan na mapapanood din ng live via livestreaming sa TOPS officials Facebook page at PIKO (Pinoy Ako) Channel 8 at 45.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag