PATAY ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian noong Sabado matapos dapuan ng COVID-19.
Ayon sa source ng Agila ng Bayan, dinala si Sebastian sa Site Harry, isang COVID-19 facility sa loob ng New Bilibid Prison, matapos makitaan ng sintomas ng virus.
Walang nangyaring autopsy at agad isinalang sa cremation ang kanyang katawan sa Cavite.
Nakulong si Sebastian dahil sa kidnapping-for-ransom at carjacking noong 2009, na siyang pangunahing saksi sa kalakarang ng droga sa loob ng Bilibid.
Inamin nito na tinulungan niya ang nakakulong na si Senator Leila de Lima upang pondohan ang 2016 senatorial campaign gamit ang drug money na itinanggi naman ng naturang senador.
Samantala, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipapatawag niya sa Lunes si Bucor Director General Gerald Bantag sa kanyang tanggapan upang mapag-usapan ang mga napapaulat na pagkamatay ng mga high-profile inmates sa loob ng Bilibid.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA